Thursday, May 01, 2014

Hurado ng Lipunan

I

Trabaho ko nang manghusga ng mga napupuna.
Hindi ng mga tao kundi mga bagay,
Ng mga ginawa hindi ng gumawa,
Ng sinulat hindi ng sumulat,
Ng mga saloobin, hindi ng nakikita ng hubad mong mga mata.

Titignan ka mula ulo hanggang paa.
Mga akala mong hindi dinadapuan ng ubo't sipon.
Mga taong wala namang alahas sa kahon,
Ngunit kung umasta mala-Imelda ang mga braso't leeg.
Mga tunay na salot ng lipunan na hinding hindi mo makikita basta.

Sa mundong ginagalawan, maraming bibig na walang mata,
At mga tainga na walang bibig.
Iilan ang nais sumalungat sa agos na nagsilbing bayani't inspirasyon.
Ngunit ano man ang iyong naiabot sa kultura,
Marami pa rin silang mga hurado kuno ang sa iyo'y manghuhusga.
Ang larawang ito ay hindi pag-aari ng blogger.

No comments:

Post a Comment

Kung manti-trip ka, wag mong pakialaman ang sa 'kin. WALANG BASAGAN NG TRIP.